Ang U.S. Election Assistance Commission (EAC) ay itinatag ng Help America Vote Act (HAVA) ng 2002. Ang EAC ay isang independyente at bipartisanong komisyon na may pananagutan sa pagbubuo ng mga patnubay upang makatugon sa mga kahilingan ng HAVA, paggamit ng mga patnubay sa sistema ng boluntaryong pagbotopambansang clearinghouse ng mga impormasyon tungkol sa pangangasiwa ng halalan. Pinapagtibay din ng EAC ang mga laboratoryo para sa pagsubok at nagpapatunay sa mga sistema ng pagboto, at pati na rin ang mga pag-awdit sa paggamit ng mga pondo ng HAVA.
Kabilang sa iba pang mga responsibilidad nito ang pagpapatuloy ng dokumento para sa pambansang rehistrasyon ng mga botanteng maghuhulog ng balota sa koreo na ginawa ayon sa National Voter Registration Act of 1993.
Itinatag ng HAVA ang Lupong Namamahala at Nagpapatupad ng mga Pamantayan sa Pagboto at ang Lupon ng mga Tagapayo upang bigyang-gabay ang EAC. Itinatag din ng batas ang Komite para sa Pagpapaunlad ng Teknikal na mga Patnubay upang matulungan ang EAC sa pagpapaunlad ng mga patnubay sa sistema ng boluntaryong pagboto.
Ang apat na mga komisyoner ay itinalaga ng Pangulo at pinatibayan ng Senado ng Estados Unidos. Ang EAC ay hinihiling na mag-sumite ng isang taunang ulat sa Kongreso at pati na rin ang pana-panahong pagpapahayag tungkol sa pagsulong ng HAVA at mga kaugnay na isyu. Ang komisyon ay nagsasagawa rin ng mga pampublikong pagpupulong at pakikinig upang mabigyan ng impormasyon ang publiko tungkol sa pagsulong at mga pagkilos nito.